Русские видео

Сейчас в тренде

Иностранные видео




Если кнопки скачивания не загрузились НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу страницы.
Спасибо за использование сервиса savevideohd.ru



It’s Showtime April 7, 2025 | Full Episode

Bakit ka single? Kung hindi gumana noon ang pag-swipe left and right, baka sa pag-step up and down mo makikita ang hinahanap. Sa bagong segment na ‘Step In The Name of Love,’ isang pares ng mag-bestie ang sasalang. Ang isa ay maghahanap ng ka-match, ang isa naman ay taga-hype. Nakilala rin natin anglooking for ka-pair na si Khylie, na mahilig mag-girls night out sa bar with her best friend Sharla. Sabi ni Sharla, si Khylie ang social butterfly sa kanilang grupo at magaling mag-plano ng mga gala nila; hindi man masyadong mahaba ang pasensya at always late pero caring daw ang best friend niya. Nagkuwento naman si Khylie kung bakit hindi nagtagal ang kan’yang last relationship. Aniya, nag-overthink si bf at napag-isipan siya na nagche-cheat. Sa unang round, two out of three searchers ang bumaba ng isang hakbang sa hagdan, na ang ibig sabihin ay may mga narinig sila na hindi nila masyadong nagustuhan. Sabi ni John, walang problema sa pag-gimik ni Khylie at sa past relationship nito, pero baka hindi sila maging swak dahil sa mga emotional distress na hindi kayang i-handle ng dalaga. Para naman kay Jaiver, mas may mahalaga pang bagay na pwedeng gawin kaysa ubusin ang oras sa pagpunta sa mga bar, at dahil priority niya ang time, red flag para sa kan’ya ang tardiness. Si Algene naman ang only searcher na nag-step up, willing bigyan ng chance ang dalaga. After another round of kuwentuhan kung saan narinig ang singing voice ni Khylie, napa-step up sina John at Javier. Pero si Algene naman ang nag-step down dahil sa nabanggit na pag-stalk ni Khylie sa mga ex niya. Sa next round naman, kung saan finlex ang face card ni Khylie, mabilis na nag-step up ang tatlong boys. Dahil diyan, ang conclusion ni Vice Ganda, sa itsura talaga nagkakasukatan! Mabait naman daw sila ni Lassy pero matagal silang nagustuhan! At sa pinaka-exciting part, makikita ni Khylie ang mukha ng mga ‘hakbangers’ at siya naman ang may ‘k’ na paakyatin o pababain ang tatlong ‘hakbangers’ base sa pisikal na itsura. Step up ang sabi niya kina Algene at Jaiver, samantalang pina-step down niya si John. Matapos um-exit ni John, at naging pantay ang pwesto nina Algene at Jaiver sa hagdan, kailangang pumili ni Khylie na isang magse-step up sa pinaka-tuktok, at ang pinili niya ay ang chinito charmer na si Javier. Sina Khylie at Jaiver ang match for today! Isang romantic date ang naghihintay sa kanila para mas makilala ang isa’t isa. Abangan kung sino ang susunod na sasalang sa pinakabagong dating match segment sa ‘It’s Showtime.’ Mukhang ready si Jackie Gonzaga, na umasa pa naman kanina nang tawagin ni Meme Vice Ganda. Ate Girl, it’s a prank! Game rin ba si Darren Espanto kung sakaling siya ang maimbitahan sa laro? Hindi mauubusan ng plot twist ang ‘Tawag Ng Tanghalan All-Star Grand Resbak.’ Pangkat Agimat at Pangkat Alab na lamang ang natitirang mga grupo. At sa pagpapatuloy ng resbakan, hindi na Alab versus Agimat ang labanan. Dahil kada araw, isang pares mula sa iisang grupo ang maghaharap. Isa ang magpapatuloy sa kumpetisyon at isa naman ang magpapapaalam. Sa halip na bunutan, mga hurado na mismo ang pipili kung sino ang maglalaban. Ang magkakagrupo, pamilya na ang naging turingan, pero sa huli, sila-sila na rin ang magpupuksaan. Unang nagtanghal si Nowi Alpuerto at Aboodie Yandog ng Pangkat Agimat. “Ordinary People” ang inawit ni Nowi, na nabilangan ni Punong Hurado Ogie Alcasid. Sabi ni hurado Jed Madela, na-sense niya ang ‘panic’ sa pagkanta ni Nowi. Samantala, para sa mga hurado, effective ang style ni Aboodi sa John Legend na “The Sound of Silence,” na isa sa mga well-applauded piyesa niya noon pa man sa TNT. Sa huli, si Aboodi ang itinanghal na panalo matapos makakuha ng score na 97.3%. Samantala, dito na nagtatapos ang Grand Resbak journey ni Nowi, na nakakuha ng grado na 95%. Sa ikalawang pagtatanghal, mula sa Pangkat Alab, pinili ng mga hurado sina Raymundo Alvarez at Mark Justo. Humahaplos sa puso ang pag-awit ni Raymundo ng “Bakit Pa Ba.” Samantala, bagong flavor ang ibinigay ni Mark sa OPM favorite na “Halaga.” Si Mark ang nakakuha ng mas mataas na score na 98%. Siya ang magpapatuloy sa kumpetisyon. Samantala, tuluyan nang nagpaalam sa entablado si Raymundo, na 95% ang nakuhang grado. #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEp #ABSCBNEntertainment #ShowtimeStepForLove

Comments