Русские видео

Сейчас в тренде

Иностранные видео




Если кнопки скачивания не загрузились НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу страницы.
Спасибо за использование сервиса savevideohd.ru



It’s Showtime April 8, 2025 | Full Episode

Kung ang cravings n’yo today ay something sweet and something that will make you happy, sagot na kayo ng ‘Showtime’ family. Para sa first serving of good vibes, isang pares ang makakatagpo ng kilig sa pinakabagong dating match segment na ‘Step In The Name of Love.’ Nakilala natin ang pretty boy na campus crush and hardcore mobile gamer na si Dale, kasama ang best friend at hype man n’yang si Jusin. Wala ka nang hahanapin pa kay Dale, pero may red flag daw ito sabi ni Justin. Minsan daw ay tamad mag-reply at mag-update si Dale dahil always busy sa gaming. Maraming alam si Justin tungkol sa BFF niya dahil mahilig talaga itong mag-open up. Let’s see kung ano ang magiging reaksyon ng mga ‘hakbangers.’ Samantala, puso at isip naman ang pinairal ng tatlong magagandnag hakbangers na sina Angeli, Sophie, at Lourdes sa pagdedesisyon kung sila ba ay magse-step up (meaning binibigyan nila ng chance si Dale) o step down (na ang ibig sabihin ay may narinig silang medyo hindi nila nagustuhan). Sa unang round, nag-step up sina Sophie at Lourdes; samantalang nag-step down si Angeli, na parang medyo na-off sa pagiging hardcore gamer ni Dale. For Angeli, mas marami pang meaningful activities na pweedeng gawin kaysa ubusin ang oras sa online gaming. Pero sa sumunod na round, nag-step up si Angeli, na naintindihan ang pagiging seloso ni Dale. Pero ekis naman ang jealousy issues kina Sophie at Lourdes, dahilan para sila ay mag-step down. Dahil d’yan pantay-pantay na ang pwesto ng tatlong ‘hakbangers.’ Game-changer ang naging next round kung saan finlex ang pretty boy looks ni Dale. Napangiti ang tatlong ‘hakbanggers’ nang makita ang picture ni Dale at pare-parehong nag-step up. Oras na para magharap-harap sina Dale at ang tatlong hakbangers! After their first face-to-face, si ‘matchmate’ Dale ang may chance na mag-decide kung sino ang gusto niyang mag-step up at mag-step down. Pinag-step up ni Dale ang tatlong binibini, kaya naman pantay-pantay na ang laban. Kailangang pumili ni Dale ng ka-match na makaka-date niya, at pinili niya ang NBSB na si Angeli. Samantala, handa raw si Jackie Gonzaga na sumalang sa ‘Step In The Name of Love.’ Eh, si Ogie Alcasid, parang hindi pa rin handa sa mataas na upuan. More practice pa Kuys Ogie, mape-perfect mo rin ang tamang pag-upo sa high stool na ‘yan! Ikalawang araw na ng ‘Tawag Ng Tanghalan All-Star Grand Resbak’ Round 3, kung saan ang dating magkakakampi, ngayon ay magkakalaban na. Bumuhos ang emosyon sa studio dahil sa performances ng dalawang Pangkat Alab members na pinili ng mga hurado na magharap sa first Resbak Battle. Sila ang pinagtapat dahil sa parehong style sa pagkanta. “Tukso” but make it rock! Ang beloved OPM classic, binigyan ng tunog na kakaiba ni Froilan Cedilla. Parang pumalakpak naman ang mga anghel nang awitin ni Eich Abando ang “Have I Told You Lately That I Love You.” Kung ilalarawan ni Punong Hurado Ogie ang naganap na battle, magaling ang first performer na si Froilan, pero may ‘anointing’ ang pagtatanghal ni Eich. Si Eich, na nakakuha ng score na 99%, ang mananatili pa sa kumpetisyon. Samantala, tuluyan nang nagtapos ang TNT Grand Resbak journey ni Froilan, na may gradong 98%. Mula sa Pangkat Agimat, pinagsabong ng mga hurado sina Miah Tiangco at Vensor Domasig dahil sa magkaiba nilang mga istilo–ang isa ay mahusay sa teknikal na aspeto, at ang isa naman ay mapuso. Tulad ng sinabi ng mga hurado, runs and riffs nga ang naging panlaban ni Miah sa pagkanta ng “House of the Rising Sun,” at puso naman ang naging sandata ni Vensor sa pag-awit ng “Ugoy Ng Duyan.” Komento ni hurado Erik Santos, anuman ang maging resulta ng laban, sigurado siyang magniningning ang bituin si Miah. Para naman kay Punong Hurado Ogie, umpisa pa lang ay nasungkit na ni Vensor ang puso niya, pero may payo siya tungkol sa sobrang pagbuhos ng emosyon ni Vensor. Pero sa huli, si Vensor ang nagwagi sa score na 96.3%, samantalang 96% naman ang nakuhang grado ni Miah. Si Vensor ang magpapatuloy sa laban, at si Miah naman ay tuluyan nang magpapaalam. #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEp #abscbnentertainment #ShowtimePangkatLove

Comments