Из-за периодической блокировки нашего сайта РКН сервисами, просим воспользоваться резервным адресом:
Загрузить через dTub.ru Загрузить через ClipSaver.ruУ нас вы можете посмотреть бесплатно It’s Showtime April 28, 2025 | Full Episode или скачать в максимальном доступном качестве, которое было загружено на ютуб. Для скачивания выберите вариант из формы ниже:
Роботам не доступно скачивание файлов. Если вы считаете что это ошибочное сообщение - попробуйте зайти на сайт через браузер google chrome или mozilla firefox. Если сообщение не исчезает - напишите о проблеме в обратную связь. Спасибо.
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса savevideohd.ru
Para maiwasan ang pagka-‘cray-cray’ sa isa na namang busy Monday, makihataw na lang sa bagong dance craze na pinauso ng nag-iisang Vice Ganda. Alam mong malala na ang tama ng Madlang People sa ‘Crazy’ dance dahil pati TikTokers kumasa na sa challenge. At dahil big craze na, deserve ng sayaw na ‘to ang isang malaking flashmob sa loob ng ABS-CBN compound. And when we say ‘malaki,’ talagang star-studded ang naging number! Naki-join ang Tawag Ng Tanghalan alums, pati na ex-KalokaLike contestants. Join din ang na-miss nating ‘Showtime’ kids. Present din ang “PBB Gen 11” squad, at ang “PBB Celebrity Collab” evictees na sina AC Bonifacio, Ashley Ortega, Charlie Fleming, Kira Balinger, at latest evictees na sina Michael Sager at Emilio Daez. First time ni Emilio sa “It’s Showtime” stage, kaya very happy and honored siya, lalo pa’t kasama niya ang ka-duo na si Michael. Pati current “PBB Celebrity Collab” housemates ay nakihataw virtually from Bahay Ni Kuya. Forda kilig ang appearance ng P-Pop groups na WRIVE, VXON, G22, at AJAA. Sina Gelo, Akira, JL, Mikki at Nate ng BGYO, naki-‘Crazy’ dance nang todo. And send your greetings now na dahil birthday ni BGYO Akira. Content creators like Toni and Vince, Yobab, and Awra Briguela, umawra in their best ‘Crazy’ dance moves. At dahil sayawan ang usapan, pinatunayan ni Yassi Pressman na she’s still one of the queens pagdating d’yan! Matapos ang crazy hatawan, mga ganap ay nauwi sa kilig-kiligan sa isa na namang episode ng “Step In The Name of Love.” Isang matchmate ang naghahanap ng ka-date sa tulong ng kan’yang best friend. For today’s video, nakilala natin si Ice. Pangalan pa lang, chill na! Sabi nga ng best friend niyang si James, natural na masayahin, positibio, at joker si Ice. Pero hindi joke sa kan’ya ang pagkakarooon ng boy best friend ng future gf niya. Based on his observation, madalas ang pagkakaroon ng boy best friend ng isang babae ay low-key sign of hidden feelings. Hindi naman nagkamali si Ice, dahil mismong si ‘hakbanger’ Hannah ang patunay. Sabi ni Hannah, may boy best friend siya at totoong nagkaroon siya ng feelings para rito. At dahil na rin sa preference ni Ice, si Hannah na ang nag-step down; samantalang nag-step up naman sina ‘hakbanger’ Yvette at Sophia. Mas naging exciting and a bit spicy ang mga commentary nang ipakita sa tatlong binibini ang picture ni Ice. Walang paligoy-ligoy ang pagkakasabi ni Yvette na hindi niya ‘to type. Nag-step down din si Sophia, na mas prefer ang soft boy appeal kaysa sa bad boy look na meron si Ice. Pero si Hannah, willing mag-adjust dahil si Ice ang tipo niya. Pabirong sinabi ni Meme na gumaganti lang si Ice nang pababain nito si Yvette at diretsahang sabihin na hindi rin niya ito type. Bago pa man mapunta sa ‘gantihan’ ang laro, napili ni Ice si Hannah. And by the looks of it, mukhang perfect match ang dalawa! Nagbukas na ang panibagong yugto ng pinakamalaking patimpalak para sa mga mang-aawit na may matataas na pangarap na gustong makamit. Maraming tinig pa ang dapat marinig ng buong daigdig. At sa pagsisimula ng “Tawag Ng Tanghalan Year 9,” may bagong aabangan. Sa edisyon ito, mabubuo ang tatlong pangkat na may tig-anim na miyembro, at magkakaroon ng celebrity mentors. Para mapabilang sa mga pangkat ang isang contender, kailangan niyang mag-ipon ng tatlong panalo. Sinimulan ni Angelica Magno ang kumpetisyon. Walang makakapigil sa 16-year-old pambato ng Sultan Kudarat, na kinanta ang “Unstoppable.” Si Paolo Valientes, isang graphic designer mula sa Negros Occidental naman ang ikalawang contender. Bersyoon niya ng “Saving All My Love For You,” very refreshing; na-highlight ang kan’yang galing. Pero hindi nagpatinag si Raquelle Macababat, na maaga mang hinarap ang hamon ng pagiging ina, hindi ito naging hadlang upang bigyan pa rin niya ng panahon ang pangarap sa pagkanta. “Hindi Tayo Puwede” ang napili niyang piyesa. Ang Top 2 scorers na sina Angelica at Raquelle ang nagharap sa Round 2 kung saan inawit ni Angelica ang “Tatsulok” at “All the Man That I Need” naman ang kay Raquelle. Sabi ni Punong Hurado Louie Ocampo, parehong magaganda ang mga boses ng dalawang contenders, pero napansin niya ang “discomfort” sa performance ni Angelica. Sa huli, wagi si Raquelle na may score na 94.7%. Nakakuha naman si Angelica ng 93%. #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEp #ABSCBNEntertainment #ShowtimeCrazyMonday