Русские видео

Сейчас в тренде

Иностранные видео




Если кнопки скачивания не загрузились НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу страницы.
Спасибо за использование сервиса savevideohd.ru



It’s Showtime May 29, 2025 | Full Episode

Ngayong Huwebes, i-save ang happiness at i-evict naman sina bad vibes and bitterness. Winner ka talaga ‘pag kumapit ka sa positive mindset. Tiwala lang! Parang players sa KIDSONA (Songs of the Nation Address), confident na mahuhulaan nila ang title ng kanta kahit patalumpati ang bigkas nina Showtime Bulilits Argus, Jaze, Kelsey, Imogen, Ayesha, at Enicka. Unang pares sina Ryan Bang at Ion Perez, na 3 hours daw nag-rehearse ng dance steps. May baon din na paandar sina Vhong Navarro-Cianne Dominguez, Kim Chiu-Anne Tenorio, Lorraine Galvez-JM Dela Cerna, at Zeah Pala-Jugs Jugueta. At sina Teddy Corpuz at Karylle, na pagiging rock stars naman ang kinarir. Forda fun lang naman ang hulaan, tamang technique lang ang kailangan tapos pabilisan. Parang si Ion, na malakas makiramdam. Kung hindi nakikinig sa kalaban, sumisilip naman kung saan may clue. Hindi raw pandaraya ang tawag d’yan kundi malupit na diskarte lang. Sa “Step In The Name of Love,” puso naman ang kailangang pakinggan bago umakyat o bumbaba ng hagdan. Matapos ang maraming pinagdaanan, magkahalong masasaya at mapapait, handa na si Nanay Rosalie, 52, na umibig ulit. Kasama si bestie Bogz, na kaibigan since high school, pipili siya ng ka-date, ‘yung sincere at hindi mambubudol. Alamin muna natin ang kuwento ng kan’yangbuhay pag-ibig. Una siyang nagmahal sa edad na 18, at nagbunga ito ng isang supling. Pero hindi nagtagal ay naglaho ang pag-ibig. Hanggang sa tinakasan niya ang ina, at nakipagtanan sa lalaking hindi niya mahal nu’ng una. Sabi nila, natuturuan ang puso. Si Nanay Rosalie ang magpapatunay nito dahil makalipas ng dalawang tao ay natutunan din niyang mahalin ang lalaking naging ama ng dalawa pa niyang mga anak. Pero mukhang hindi talaga meant to be. At labis na nasaktan si Nanay Rosalie. Kaya para maibsan ang lungkot, pag-big pa rin ang sagot. Heto siya’t naghahanap ng ka-date, kasama si BFF, na naging close niya noong panahong lumalaban pa siya sa singing contests. Sa kantahan, si Bogz ang kan’yang number one supporter. Maging dito sa “Step In The Name of Love,” ito ang kan’yang cheerleader. Nakilala rin natin ang tatlong matitipunong hakbangers. Si Tatay Randy, 48, ay isang company driver. Balo na at may tatlong anak. Ang gusto niya sa babae, ‘yung simple, hindi nagsusugal at hindi pala-party. Matikas pa rin ang tindig ni Tatay Adonis, na isang retired pulis, pati galawan sa dance floor ay matulis. Si Tatay Dante, 56, electrician, iisang babae pa lamang ang minahal mula elementary hanggang sila’y nagpakasal. Pero pumanaw na si misis kasunod lamang ng pagkawala ng anak nilang babae. Para kay Tatay Dante, alin nga ba ang mas masakit–ang mawalan ng anak o ang mawalan ng asawa? Ang tatlong pogi, na-impress sa qualities ni Rosalie, na magaling magluto at makisama. Sa mga anak ay madisiplina. Tanong ni Vice Ganda–papayag ba si Rosalie at ang mga hakbangers na magkaroon ng stepparent ang mga anak nila? ‘Yung tipong manghihimasok ang bago nilang karelasyon sa parenting style nila? Mixed reaction naman ang natanggap ni Rosalie nang unti-unting lumitaw ang mga ‘red flags.’ Masyado raw itong generous, to the point na magbibigay pa rin sa iba kahit wala nang matira pa sa kan’ya. Noo’y nakapagpatayo ito ng resto-bar at umalwan ang buhay. Pero kahit nagsara ang negosyo at back to zero, hindi na nakawala sa marangyang lifestyle, kahit kung minsan ay nangungutang para lang ma-sustain ang mga nakasanayang luho. Lumalim ang usapan tungkol dito. Dapat bang ipagpatuloy ni Nanay Rosalie ang ganitong pamumuhay? Para sa mga hakbangers, lahat naman ay puwedeng pag-usapan at ayusin, kaya sila’y umakyat pa rin. Sa huli, nagkapareho ng pwesto sina Randy at Dante. Sino sa dalawa ang pinili ni Rosalie? ‘Showtime’ hosts naman ang mamimili ng Madlang People na kakanta at pwedeng magkapera sa Singing Vee. Sa larong ‘to, iikot ang ‘Showtime’ hosts sa pangunguna ni Vice Ganda habang kinakanta ang “Dahil Sa’yo” ni Iñigo Pascual, at kung kanino tumapat ang mikropono, dapat niyang madugutungan ang susunod na linya ng kanta. Ang Madlang Audience na makakatama, 3, 000 pesos ang makukuha. Tulad nga ng sabi sa kanta, dahil sa inyo, Madlang People, ang ‘Showtime’ family ay matapang na nagbibigay ng love, happiness at papremyo. Basta, huwag malito sa liriko! Pagkatapos ng kantahan, pahabol munang kulitan! Thank you, solid Showtimers. Kita-kits ulit tayong lahat bukas! #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEp #ABSCBNEntertainment

Comments